Page1

Saturday, January 16, 2016

Gabay sa Aplikasyon ng Claim para sa “Occupational Health & Safety Insurance” (“Sanjae Bohum”) ng mga Dayuhang Manggagawang Pauwi na sa Kanyang Bansa



Ano ang “Occupational Health and Safety Insurance”

 (“sanjae bohum”)?



- Ito ay sistema ng social insurance sa Korea kung saan ginagamit ang perang mula sa “sanjae bohum” upang maipagamot ang mga manggagawang naaksidente o nagkasakit dahil sa pagtatrabaho at kinakailangang magpagamot sa loob ng apat (4) na araw o higit pa. 

Ang insurance ay inilalaan din para mabayaran ang 70% ng average na sweldo habang sila’y nagpapagamot at hindi makapagtrabaho. Ginagamit din ang insurance na ito kapag namatay ang manggagawa upang maibigay ang benepisyo para sa pamilya ng pumanaw. 

Ang lahat ng mga dayuhang manggagawa, kahit na sila’y legal o ilegal, ay maaaring mag-apply at makatanggap ng benepisyo mula sa “sanjae bohum” gaya ng mga Koreano.

Kapag ang sintomas ng sakit ay naranasan matapos nang makauwi sa Pilipinas, maaari pa ring mag-apply at makatanggap ng benepisyo mula sa “sanjae bohum” sa HRD Korea EPS Center sa Pilipinas. ○ Proseso ng aplikasyon para sa “Sanjae bohum” ng mga dayuhang manggagawang nakauwi na. 

Matapos magpakonsulta ng dayuhang manggagawa sa HRD Korea EPS Center, sagutan ang “medical care application form” na makikita sa sentro at saka ito isumite. 

Sa (EPS Center → Korea Workers’ Compensation and Welfare Service (“COMWEL”)) Isasagawa ng COMWEL ang pagsusuri tungkol sa detalye ng tinamong aksidente, uri ng trabaho at iba pa. At saka nila pagpapasiyahan kung iyo ba ay maituturing na aksidente sa pagtatrabaho (“work-related accident”).

Isulat nang detalyado ang mga sumusunod:


① Petsa ng unang pagpasok sa kumpanya, oras ng pagtatrabaho, bilang ng araw ng pagtatrabaho sa loob ng isang linggo, panahon ng pagtatrabaho, 

② oras ng pagpapahinga, oras ng pagkain, 

③ detalye tungkol sa mga dating pinagtrabahuhan (pangalan ng kumpanya, tungkulin sa kumpanya (uri ng trabaho), panahon ng pagtatrabaho), 

④ taas, bigat (height, weight), 

⑤ ilista kung anu-ano ang mga dating naging sakit o kung may aksidenteng dating natamo, 

⑥ madalas na isagawang ehersisyo at libangan, 

⑦ isulat kung naninigarilyo at/o umiinom ng alak, 

⑧ detalye ng trabaho (sa bawat oras), 

⑨ detalye ng natamong aksidente o detalye ng nararanasang sintomas, 

⑩ personal na impormasyon ng saksi, 

⑪ pinuntahang medikal na institusyon matapos maranasan ang sintomas, 

⑫ alamin kung may nararanasan ding katulad na sintomas ang ibang katrabaho, 

⑬ kung may natanggap kayong bayad para sa pagpapagamot o sahod sa mga araw na hindi nagtatrabaho mula sa inyong kumpanya.



Matapos itong maisulat sa application form, saka ito isumite. 

Talahanayan ng Proseso Pagsusumite ng “Medical Care Application Form” (Manggagawa → EPS Center)

1. Pagsusuri tungkol sa aksidente

2. Pagpapasiya kung ito ba ay aksidente sa pagtatrabaho 

3. Pagbibigay ng notipikasyon tungkol sa resulta ng inaapply na medical care (EPS Center →Manggagawa) 


Uri ng mga Benepisyo mula sa Insurance Medical Care Benefits:

Pagpapagamot sa manggagawang nangangailangang magpagamot sa loob ng 4 na araw o higit pa dahil sa natamong pinsala o sakit habang nagtatrabaho.

Temporary Disability Benefits 

Pagbabayad ng 70% ng sweldo sa bawat araw na hindi makapagtrabaho ang manggagawa dahil kinakailangan niyang magpagamot sanhi ng natamong pinsala o sakit sa pagtatrabaho 

Injury-disease Compensation Annuity 

Pagbibigay ng “disability benefits” sa mga 2 taon na ang nakalipas nang unang pagpapagamot subalit hindi pa rin ito gumagaling at kinikilala ng batas na kabilang sa “Pamantayan ng mga Hindi Nagagamot na Sakit” 

Permanent Disability Benefits 

Pagbibigay ng benepisyo sa pagkakaroon ng permanenteng kapansanan sanhi ng aksidente o pagkakasakit dahil sa pagtatrabaho kahit na natapos na ang pagpapagamot. Ang ibibigay na benepisyo ay batay sa 14 na ranggo ng kategorya ng kapansanan (disability). 

Survivors Benefit & Funeral Expenses Pagbibigay ng pension (lumpsum) sa pamilya ng pumanaw na manggagawa bilang tulong sa kanilang pamumuhay. Ibibigay din sa kanila ang benepisyo para sa pambayad sa mga gastusin sa pagpapalibing. 


Sa pagsasagawa ng pagsusuri tungkol sa aksidente, kinakailangan nilang tiyakin sa employer at sa manggagawa ang detalye tungkol sa pagtatrabaho at maaari rin silang humingi ng kaugnay na dokumento para rito. Kaya naman maaaring maantala ang pagbibigay ng desisyon dahil dito. 2 Kapag nag-apply para sa medical care para sa sakit na nakuha dahil sa pagtatrabaho, ang “Occupational Diseases Deciding Council” ang magpapasiya kung ito ba ay matuturing na sakit dahil sa pagtatrabaho

EPS Center sa Pilipinas - Tagapamahala: Im Jong-jin, Direktor ng Sentro (maaaring mapalitan ang tagapamahala) - Address: Embassy of the Republic of Korea, Suit 2002-A West Tower, Philippine Stock Exchange Centre, Exchange Road, Ortigas Center, Pasig City, Philippines - Telepono: 070-7431-0195 1 

No comments: