Page1

Saturday, April 18, 2015

Kailangan Alamin bago magpalit ng pinapasukang kumpanya o Magpa-release


Magisip munang Mabuti :)


> Kahit na nagsabi na kayo sa inyong amo(employer) na nais nyo nang tumigil sa pagtatrabaho at lumipat ng ibang kumpanya ( Magpa-release) subalit hindi naman pumayag ang inyong amo tungkol dito,hindi pa rin kayo maaaring lumipat ng ibang kumpanya.

> At kapag hindi naman kayo pumasok ng Limang araw o higit pa, maaring isumbong ng inyong kumpanya ang tungko sa hindi nyo pagpasok ( absence without leave o AWOL ) sa Job Center.

> At kapag nangyari ito, mawawalan kayong karapatang magtrabaho ng legal dito sa Korea. Bukod pa rito, mairelease man kayo ng kasalukuyan ninying kumpanya,mahihirapan din kayong makapasok sa nais ninyong pagtrabahuhang kumpanya.

> Labag naman sa batas ang mag trabaho sa pagitan ng 3 buwang palugit na ibinibigay ng Job Center para sa paghahanap ng bagong mapapasukang kumpanya. Sa madaling salita, mahirap ang kumita ng pera kahit na itoy nakaplano na. Kung sakaling nagiisip kayong lumipat ng mapapasukan, mangyaring humingi ng payo sa pinakamalapit na sentro ng pagpapayo.



Mga Dahilan Kung Sakaling titigil na kayo sa pagtatrabaho at lilipat ng ibang Kumpanya :


1. Kung nagsara ang kumpanya at matagal ng walang trabaho,

2. Kung nagkaroon ng problema sa sahod, sa oras ng trabaho  o anumang nasaad sa kontrata na hindi nasusunod at mahirap ng magtrabaho pa ang manggagwa sa kumpanyang ito.

3. Kumg mahigit na sa 2 buwan ang hindi nababayarang sahod at/o madalas na naaantala ( Delayed ) ang pagbabayad dito.

4. Kung naaksidente o nagkasakit at hindi na maaari pang magtrabaho sa kasalukuyang pinapasukan kahit na may sapat na dahilan.

5. Ang pananakit ng may-ari ng pagawaan,diskriminasyon o iba pa.

* Kakailanganin ang mga katibayan na ipapasa sa Job Center.

Ang Pagkuha o pag-aaply na dokumento sa labor,pulisya,at ospital na maaari ring magtagal o maaari rin namang hindi makakuha. Mangyari magpunta muna sa sentro ng pagpapayo kung sakaling magpapalipat ng mapapasukan.


No comments: