Page1

Wednesday, May 27, 2015

Problema sa paglipat ng Pagawaan (Pagpaparelease)



Marami sa mga manggagawa ang nais lumipat ng pagawaan upang kumita ng malaki. Iba't ibang problema ang lumalabas, magmula sa tirahan hanggang sa kasamahan sa trabaho,trabahong hindi kaya, at iba pang dahilan malipat lamang sa ibang pagawaan. Sa ilalim ng batas manggagawa, may mga dahilan upang makalipat ng pagawaan, kagaya ng hindi makuhang sahod, nagsarang kumpanya o sinaktan ng may-ari ng pagawaan, at ilang paglabag sa karapatang pantao ng mga manggagawa.

> Kung mayroon kayong sapat na dahilan sa paglipat ngpagawaan ay maaari kayong pumunta ng Job Center upang iaplay ito. Kung ang inyong dahilan ay may sapat na katibayan mangyaring ipasa ito sa Job Center. Subalit mahirap para sa manggagawa ang maghanda para sa mga katibayan at maihanda, ito'y inaabot din ng matagal. At kung walang pahintulot ng may-ari ng pagawaan,mahihirapan ding lumipat ang manggagawa.

> Sa kasalukuyan, ang mga manggagawa sa ilalim ng employment permit system ay may 3 taong kontrata. Mahirap magparelis kung ang pinirmahang kontrata ay diretstong 3 taon. Dahil dito ay maraming mga manggagawa ang nagpupumilit na magparelis na isa sa mga karaniwang dahilan ng alitan sa pagitan ng may-ari at ng manggagawa.

> Kung nais lumipat ng mapapasukan ay mangyaring bumisita muna sa pinakamalapit na sentro ng pagpapayo. Inisip man ninyong may sapat kayong dahilan upang malipat subalit kailangan pa ring humingi ng payo sa dahilang kadalasan ay hindi sapat ang dahilan upang payagang lumipat sa ibang pagawaan. Hanggang sa makaisip ang manggagawa ng paraan kagaya ng hindi pagpasok o sinadyang magkamali sa trabaho na nagiging dahilan ng alitan sa pagitan ng tagapamahala at ng manggagawa. Subalit marmi ang nawawalan ng bisa dahil sa iba't ibang problema sa pagawaan, kailangan pa rin ang lubos na pag-iingat.. narito ang ilang numero na pwede mong tawagan para makahingi ng payo para sa paglipat ng ibang mapapasukang kumpanya.. Foreign Support Contacts

No comments: