Mga kailangang ihanda at gawin para makakuha ng EPS-TOPIK at makapag apply ng trabaho sa South Korea:
1. Ihanda o Kumuha ng Passport at NBI Clearance.
> Siguraduhing maayos at walang maling detalye sa passport mo,at kung ito naman ay malapit ng ma-expired kailangan mo ng i-renew para wala ng magiging aberya pa habang nagpoproseso at kung sakaling makapasa ka EPS TOPIK.
> Kailangan ang kukunin mong NBI Clearance ay issued for Travel Abroad, dahil sa abroad ka mag a-apply ng trabaho.
Tingan ang larawan sa ibaba:
2. Mag rehistro online sa e-registration sa mismong website ng POEA Click here
> Tandaan: Kakailanganin mo dito ang mga detalye ng iyong bagong passport.
Ito ang ilan sa mga nararanasan dati pag nag a-apply sa South korea bilang isang Overseas FilipinoWorkers sa ilalim ng (Employment Permit System) ay ang mahabang pila na tila parang hindi nababawasan sa daming naghahangad na makapag trabaho duon.
Ang iba sa kalye na natulog para lng mauna sa pila, meron naman galing pa sa mga probinsya na gumising pa ng madaling araw para lang makahabol at umabot sa bilang ng maiiprocess sa araw din na yun. Mainit na sikat ng araw, gutom, masasang na amoy, puyat, pagod pero lahat yan titiisin ni Juan Dela Cruz para sa pinapangarap na makapag trabaho sa South Korea para sa pamilya. Maswerte ka dahil ngayon very Organized na ang pag re-registered.
3. Mag Aral ng Salita o Wikang Koreano.
> Kakailanganin mong magaral ng lenggwaheng hanggul, Ito ay ang salitang ginagamit sa korea para para di ka mahirapan pagdating duon. Karamihan sa mga nagiging kaso kaya nagkakaroon ng di pagkakaunawaan ng Amo at EPS workers sa korea ay dahil sa kakulangan sa kaalaman sa pagsasalita ng wika o lenggwahe nila.
> Pwede kang Mag self Study "Pwede mong idownload dito ang reviewer" Click Here kung wala kang oras dahil meron ka pang trabaho sa kasalukuyan at kung wala naman pwede kang pumasok sa mga Korean Language Training Center..
4. Maghintay ng anunsyo sa POEA ng Survey para sa mga gustong kumuha ng EPS TOPIK sa ilalim ng Employment Permit System:
> Ngayon, binago na ng POEA at EPS Center ang proseso ng pag re-rehistro dahil sa subrang dami ng aplikante. Gumawa sila ng online survey para sa mga interasado at qualified na aplikante na handa ng mag take ng EPS TOPIK sa ilalim ng Employment Permit System. Ang Survey ay inaanunsyo sa mismong website ng POEA www.poea.gov.ph. Tingnan ang larawan sa ibaba :
5. Pag pasado ka sa EPS TOPIK ang susunod na gagawin mo ay magpa-medical,
> Kailangan mo isubmit ang Medical Result at Test Result sa POEA upang maitransfer ang pangalan mo sa HRD KOREA para sa ganon madali kang makakasama sa selection ng HRD KOREA at mabilis kang ma-select at magkaroon ng Contrata. Saan ba pwedeng magpa-medical si Juan Dela Cruz? Maraming mga accredited ng POEA na medical clinic malalapit mismo sa POEA Office, Marami kang makakasalubong na namimigay ng flyers sa harap mismong gate ng POEA.
Tingnan ang larawan sa ibaba para malaman mo kung magkano at ano-ano ang dapat mong bayaran sa POEA pag meron ka ng Visa:
> Kung meron ka pang gustong malaman, mga tanong o suhestiyon na patungkol sa usaping ito mangyari po lamang na mag komento sa ibaba..Handa po akong tulungan ka sa abot ng aking nalalaman...
>>>>>>>>>>>>>>>>>Pag Pinoy ka, Angat ka sa Iba<<<<<<<<<<<<<<<
No comments:
Post a Comment