Diskriminasyon at pananakit sa loob ng pagawaan
> Hanggang sa ngayon ay may diskriminasyon pa rin sa pagawaan dahil sa magkaibang paniniwala, relihiyon at higit sa lahat ay ang pagiging dayuhan. Katunayan nito ang hindi pagbibigay ng bakasyon, pagtatrabaho sa gabi, pagbibigay ng marumi at delikadoo ng trabaho na para sa mga migranteng manggagawa lamang. Dahil sa kaisipang ang mga migranteng manggagawa ay nanggaling sa mahirap na bansa at nangibang bayan upang kumita ng pera.
> Dahil sa problema sa komunikasyon ay nagkakaroon ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga magkakatrabaho, namumuno at pati na rin ang ma may ari ng pagawaan, na kung minsa'y nagiging dahilan kung bakit sinasaktan ng mga may-ari ang dayuhang manggagawa.
> May batas na nagtatanggol ukol sa diskriminasyon sa sahod, bakasyon, pahingang oras sa pagitan ng manggagawang dayuhan at manggagawang koreano Ang
pinakamahalaga ay ang diskriminasyon sa paniniwala at relihiyon. Kung magkaroon ng problema ukol dito ay mangyaring pumunta sa pinakamalapit na sentro ng pagpapayo.
> Kung kayo ay nasaktan sa loob ng pagawaan, magsumbong sa pulis o sa sentro ng pagpapayo.
Proteksyon sa karapatan ng mga babaeng manggagawang
> Hanggang sa kasalukuyan ay may mga kababaihang manggagawa pa ring hindi napoprotektahan laban sa sekswal na pang-aabuso ng kanilang amo(employer) o kaya naman ng katrabaho nilang lalaki. Magsumbong man sa pulis o sa sentro ng pagpapayo ay mahihirapan din kung walang sapat na katibayan. May pangyayari dahil sa tagal sa paglutas ng kaso ay tinatakot ng may-ari ang manggagawa na tatanggalan ito ng bisa o kaya naman ay hindi na ito papagtatrabahuhin pa. At dahil nais nilang kumita, napipilitan ang mga itong bawiin ang kaso at makipagkasundo na lamang.
> May pangyayari rin na kahit na nagdadalantao ang manggagawa ay pinagtatrabaho pa rin ito ng sobra sa oras( Overtime ). O kaya naman ay biglang tinatanggal sa trabaho dahil sa pagdadalantao.
> Sa pamumuhay sa Korea gayundin sa pagtatrabaho, kung sakaling may mag-tangkang mang-abuso, buong lakas-loob ninyong sabihin ang katagang " AYAW KO!" "HUWAG MONG GAWIN YAN!" at agad magsumbong sa may-ari ng pagawaan. Magpunta sa pinakamalapit na sentro ng pagpapayo at himingi ng tulong.
> Magsumbong man sa pulisya o sa labor, tumatagal ang kaso dahil sa kakulangan o kawalan ng ebidensya. Subalit hindi ito dahilan upang kayo ay sumuko,matutong ipaglaban ang inyong karapatan.
> Mahirap ang magtrabaho kung ang isang babaeng manggagawa ay nagdadalantao. Sa ilalim ng batas ay maaari kayong magpaalam at umuwi sa sariling bansa upang magsilang. Matapos ay maaari kayong bumalik at muling magtrabaho. Lumapit sa sentro ng pagpapayo kung sakaling magkaproblema ng dahil dito.


No comments:
Post a Comment