Page1

Thursday, May 28, 2015

Paano kumuha at magbayad ng OEC( Overseas Employment Certificate) sa pinakamalapit sa iyong lugar

I-click ang link na ito: Balik Manggagawa Online




1st Step

Mag rehistro at sagutan ang mga kailangang impormasyon para magkaroon ng sariling account kung ikaw ay "NEW USER"






2nd Step

I-click ang ok at ang confirmation link na nasa iyong email upang maging aktibo ang iyong account.





3rd Step

Mag Log In gamit ang iyong confirmed account Email Address at Password sa www.bmonline.ph





* Dahil bagong rehistro lang ang account mo sa BMONLINE,  Hindi mo pa magagamit ang dating OEC number mo at passport...Mag SET AN APPOINTMENT ka sa pinakamalapit POEA Branch office sa inyong lugar





4th Step

Sagutan ang mga kailangang impormasyon para sa iyong BMonline account para magkapag set ng appointment tapos i-click ang NEXT STEP




5th Step

Ilagay kung kailan ang expected na flight at i-click ang NEXT STEP




6th Step

Piliin ang pinakamalapit na POEA Branch office sayo para mapadali ang iyong pagbabayad kagaya ng nasa larawan.





7th Step

Pumili sa mga available slots kung kailan mo gustong magbayad at anong oras





8th step

I-click ang Print Appointment at ipasa kasama ang mga sumusunod na requirements

1.Original at Photo copy ng Passport( at least valid 6 months after the Flight)
2.Original at Photo Copy ng VISA
3.Original at Photo Copy ng Employment Contract kung Nagpalit ng Kumpanyang pinapasukan
4.Original at Photo Copy ng Alien Card







No comments: