1. Sistema ng espesyal na Pagsusulit (CBT)
Mga kailangan para makakuha ng pagsusulit
* Ang mga nakapasok sa ilalim ng Employment Permit System matapos ang 3 taon at muling ikinuntrata.
* Kusang umuwi bago matapos ang Bisa.
* May Edad na 39 pababa.
* Kada 3 buwan ay magkakaroon ng pagsusulit (CBT) sa bawat bansang kasali na gaganapin sa computer test centers sa inyong lugar. Ang patalastas ukol sa pagsusulit ay mababasa sa pahayagan sa inyong lugar (POEA) at sa homepage ng HRD Korea.
* Maaari kayong mamili ng trabaho na kaiba sa dati ninyong napasukan. Subalit kung nais ninyong bumalik sa dati ninyong pinagtatrabahuhan at dating uri ng trabaho ang inyong iaaplay.
* Kung kayo ay makapasa sa pagsusulit,kinakailangan
ninyong magpalipas ng 6 na buwan bago makabalik na muli. May 3 taong kontrata at matapos ito ay maaari pa kayong maikontratang muli ng 1 taon at 10 buwan.
2. Batayan ng pagiging isang tapat na manggagawa na nauukol sa pagbabalik.
Maaaring Bumalik
* Pumasok sa ilalim ng Employment Permit System, nagtrabaho ng 4 na taon at 10 buwan ng tuloy tuloy sa isang kumpanya o hindi nagpalit ng pagawaan hanggang sa matapos ang itinalagang haba ng pagtatrabaho.
* An pagawaang tumigil o nagsara na hindi kasalanan ng manggagawa, nalipat at nakapagtrabaho ng 1 taong mahigit sa huling pagawaan.
- agrikultura, pangingisda at ang pagawaang kabilang sa manufacturing industry na may bilang na 30 katao pababa.
- Ang mga kumpanyang kabilang sa mga Root Industry na may 50 katao ang manggagawa ay maaari ring mag-apply para sa Muling Pagbabalik ng Tapat na Manggagawa
- Kinakailangang pumirma ng kontrata ng hindi bababa sa 1 taon ang contract period matapos bumalik muli sa korea bilang migranteng manggagawa.
- walang Limitasyos ang Edad
* Pag-aaplay : Kailangang iplay ng may-ari ng pagawaan mula 1buwan hanggang 7 araw bago matapos ang bisa ng isang manggagawa.
* Matapos makuha ang permiso ng muling pagbabalik, makalipas ang 3 buwan mula ng umuwi ang manggagawa ay maaari na siyang makabalik nang hindi na kukuha pa ng pagsusulito pagsasanay para sa mga manggagawa.
No comments:
Post a Comment