Matapos ang 3 taong pagtatrabaho ng isang manggagawa ay mayroon pang karagdagang 1 taon at 10 buwan sa ilalim ng batas manggagawa. Kung sakaling ang may ari ng pagawaan ay kuhanin kayong muli, maari nilang ayusin ang aplikasyon sa Job Center mula 1 buwan o 7 days bago matapos ang inyong Visa,
> Kailangang nakapagtrabaho ang manggagawa ng mahigit na 1 buwan para maiplay ito. at kung ang isang manggagawa ay nakapagtrabaho ng tuloy tuloy sa isang kumpanya,maari siyang pabalikin ulit bilang isang tapat na manggagawa o kaya naman ay maaring kumuha ang manggagawa ng espesyal na pagsusulit sa wikang koreano (CBT). At kung makapasa siya makakabalik na muli ang manggagawa dito sa korea para magtrabaho.
> May mga manggagawa nagtitiis na muna kahit sa may problema sa pagawaan sa kagustuhang makabalik at makapagtrabahong muli sa Korea.
> Ang unang pinangarap at planong hindi natupad o kulang pa kahit bumalik sa sariling bansa ay makabubuting gamiting mabuti ang pagkakataon o alituntunin sa muling pagtatrabaho at muling pagbabalik .
> Makakatulong sa inyo kung aalamin ang mga alituntunin sa nauukol sa muling pagbabalik.
No comments:
Post a Comment